Feb 13, 2007

Awit ng Paghahangad


O Diyos, ikaw ang laging hanap,
loob ko'y ikaw ang tanging hangad!
Nauuhaw akong parang tigang na lupa
sa tubig ng yong pag-aaruuga.


Ika'y pagmamasdan sa dakong banal
ng makita ko ang yong pagkarangal.

Dadalangin akong nakataas aking kamay
nagagalak na aawit ng papuring iniaalay.


Gunita ko'y ikaw habang nahihimlay
pagakat ang tulong mo'y sa tuwinay taglay
sa lilim ng iyong mga pakpak
umaawit akong buong galak.


Aking kaluluwa'y kumakapit sa iyo,
kaligtasa'y tiyak kung hawak mo ako.
Magdiriwang ang hari ang Diyos siyang dahilan
ang sa iyo ay mangako
galak yaong makakamtan.


Gunita ko'y ikaw habang nahihimlay
pagakat ang tulong mo'y sa tuwinay taglay
sa lilim ng iyong mga pakpak
umaawit akong buong galak.